Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Tula ni: Isaac Fuerte



"Aking Bayan"
inilikha ni : Isaac Fuerte

Pilipinas aming bayan
Mga taong walang kamalayan
Sa buhay sila’y narapa
Sa agos ng gulong rumagasa.

Isang bayan na may maraming mamamayan
May mga taong naiiwan habang ibay yumayaman
Pagtutulungan kanilang nalimutan
Kaya unti-unti ng bumagsak ang aming bayan

Pagkakaisa ang dapat na umangat
Atin muna nating kalimutan ang ating pagkakapangka- pangkat
Sa daan tungo sa tagumpay
Tayo na’t sabay sabay maglakbay

Ating baya’y muling iahon
Tayo’y magtulungan sa lahat ng panahon
Pagkat ako’y isang simpleng mamamayan
Na may pakielam sa ating bayan







   "Batugan"
   ni: Isaac Fuerte



Ako n’may nakaupo magdamag
Handa naman akong making saiyong tawag
Upuan at lamesa ang lagi kong kasama
Pagkat proyekto sa aking paaralan ay pasahan na

Kwento ng buhay ko’y singkapal ng Bibliya
Pagkat maraming problema na ang nagdaan sa aking pamilya
Utos ni itay aki’y susundin na
Bago niya pa ako sigawan ng sobra

Pagkabatugan ko ay iiwasan
Dahil sagabal ito sa aking kinabukasan
Pagtitiyagaan ko kahit ako’y pagod na
Pagkat aking pagkakamali’y nais kong itama

Sabi nila’y ako’y walang patutunguhan
Pagkat ako’y isang hamak lang na batugan
Patutunayan kong sila’y nagkamali
Pagkat tagumpay ko’y di maikukubli








"Trapik"
ni: Isaac Fuerte

Iba’t ibang sasakyan sa daan
Numero uno ang trapik sa ‘ting bayan
Matagal narin na taon ang dumaan
Ngunit hindi parin ito na solusyonan

Araw –araw, iba’t ibang panahon
Umaraw,umulan trapik ay nandoon
Kailangang habaan, ating pasensya
‘sing haba ng mga sasakyan sa Edsa

Dapat ma disiplina ang drayber
Sumunod sa mga trapik lights at enforcer
Mga bagong batas ay kailangang sundin
Kalakaran sa ‘ting bansa’y ating gawin

Kaya’t atin ng solusyonan ang trapik
Tayo’y maging disiplinado at tapat
Upang hindi na ito maging tapik
At atin ng gawin ang nararapat







"Susi sa Tagumpay"
ni: Isaac Fuerte

Pagkakaisa ang ating pairalin
Tamang gawain ang ating sundin
Sa bansang puno ng pasakit at pagsubok
Paano natin mararating ang tuktok?

Sa panahong tayo ay sama-sama
Ating pairalin ang disiplina
Pakikitungo ng tama sa iba
At iwasan ang paggawa ng masama

Pagiging patas sa lahat ng oras
 Sama-sama nating ipatupad ang batas
 Sa ating bansa na wala ng pag-asa
 Patunayan natin na tayo ay iisa

Abot langit ang ating ligaya
 Kapag ang tagumpay ay nakamit na
 Wag lang tayong mawawalan ng pag-asa
 Pagkat ating premyo'y nariyan na

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Maikling Kwento: Liwanag sa Dilim

Liwanag sa Dilim                                                           ni: Isaac Fuerte Sa isang lugar sa Tondo, nakatira ang pamilya ni Rosco kasama niya sa bahay ang kanyang asawa at dalawang anak na sina Roy at Rosie. Hindi mo masasabing nasa may kayang pamilya si Rosco pagkat sa lugar nalang ng kanilang tahanan puro bakas ng kahirapan ang iyong makikita. Dumagdag pa sa problema ng kanyang pamilya ang pagkakaroon ng sakit sa puso ni Rosie kaya naman doble kayod si Rosco para sa kanyang pamilya ngunit hindi parin sapat ang kanyang kinikita sa pag-sideline sa mga construction at pag-pasada ng jeep upang maipangbili ng gamot at ipang tustos sa kanyang mag-iina.  Sa araw araw na pagpasada niya sa jeep kulang na kulang ito pangbili pa lamang ng gamot ng anak na si Rosie. "Tay" masayang bungad ng kanyang munting prinsesa "oh...

maikling kwento: dahil sa baguio

Dahil sa baguio mula kay Anna Marice Adelmae Urbano  Si Robert ay isang mayamang batang lalaki, sya ay nakatira sa maynil, luho sya sa lahat ng bagay. Hindi nya pinapahalagahan lahat ng tao o bagay sa kanyang paligid. Baliwala sa kanya at hindi nya ginagalang ang kanyang magulang na sina Bert at Rica Naval. Si Rica at Bert ay parehas galing sa mayamang pamilya, parehas hindi nakaranas ng hirap ngunit sila ay parehas na may pagpapahalaga sa mga bagay bagay kaya gusto nilang matuto ang kanilang anak. Gusto nilang matutong gumagalng ang kanilang anak, kaya pinadala nila ang bata sa probinsya ng kanilang katulong na si Linda, upang doon matuto ng mabuting asal. Ang probnsya ni linda ay sa baguio. Iiwan ng mag-asawang naval si Robert sa baguio ngunit hindi alm ng bata ang alam nya lang ay magbabakasyon lamang sya. Pinagdala si Robert ng madaming damit at gamit pang araw-araw. Dhil walng pake si Robert sa kanyang paligid ay hindi nya napansin na iiwan sya sa Baguio kasama si Lin...

Mga Tula

MGA TULA NI KIMBERLY GO Balangaw  ni Kimberly Go Ang kalikasan nating kay ganda ganda. Ito ay hiwaga na para bang apoy. Siya ay walang kupas kung magpahanga Ang misteryo nitong hindi mo matukoy. Ang ating kalangitan na kulay bughaw Ngunit bakit tila ito’y lumuluha. Ang aking nakita ay isang balangaw Simbolo ng pagbangon at pag-asa Anong nangyari sa Inang kalikasan? Pagbigay ng ating pangangailangan Kapalit natin ay ating kapabayaan At walang awa nating kinalimutan Mga tao rin siyang may kasalanan Wala nga rin itong pahahantungan Kung hindi rin tayo ang magtutulungan Kung ito’y masira tayo’y mawawalan. Tatsulok ni Kimberly Go Ang buhay ng tao ay parang tatsulok Taong naka-Amerikano at barong Mga anak-pawis na sila’y nagluklok Umasang sila’y aangat at yayabong Mga taong nananatili sa ibaba At ang mga inosenteng nakahandusay Tahimik na pamumuhay at payapa Minimithi nilang kagandahan ng buhay M...