Dahil sa baguio
mula kay Anna Marice Adelmae Urbano
Si
Robert ay isang mayamang batang lalaki, sya ay nakatira sa maynil, luho sya sa
lahat ng bagay. Hindi nya pinapahalagahan lahat ng tao o bagay sa kanyang
paligid. Baliwala sa kanya at hindi nya ginagalang ang kanyang magulang na sina
Bert at Rica Naval. Si Rica at Bert ay parehas galing sa mayamang pamilya,
parehas hindi nakaranas ng hirap ngunit sila ay parehas na may pagpapahalaga sa
mga bagay bagay kaya gusto nilang matuto ang kanilang anak. Gusto nilang
matutong gumagalng ang kanilang anak, kaya pinadala nila ang bata sa probinsya
ng kanilang katulong na si Linda, upang doon matuto ng mabuting asal. Ang
probnsya ni linda ay sa baguio. Iiwan ng mag-asawang naval si Robert sa baguio
ngunit hindi alm ng bata ang alam nya lang ay magbabakasyon lamang sya.
Pinagdala si Robert ng madaming damit at gamit pang araw-araw. Dhil walng pake
si Robert sa kanyang paligid ay hindi nya napansin na iiwan sya sa Baguio kasama
si Linda. Kapag dating sa baguio ay hindi naging masaya ang bata, walang gana
sya humiga sa kama sa bahay na kanyang titirahan, nakatulog si Robert dahil sa
kaburyuhan sa bahay. Kapag gising nya kinagabihan ay wala na ang kanyang
magulang ngunit may nalita syang batang babae na kasing edad nya nilait-lait
nya ito at sinabing
“panget,
panget mong babae, tignan mo nga yang buhok mo parang buhok ng kabayo, tignan
mo iyong damit parang basahan, HA-HA-HA mahirap na bata!”
Umiyak
ang batang si Rose. Bilang dumating si Linda habang umiiyak si Rose at inaasar
ni Robert si Rose, ay nataranta si Linda dahil si rose ay may sakit sa puso.
Hindi pwedeng sumama ang kanyang loon. Tumakbo si Rose papubta kay Linda at
umiiyak sya habang yakap si Linda. Natakot si Robert at sinubukan patahanin si
Rose ngunit pinaalis sya ni Linda. Dahan-dahan umalis si Robert a pwesto nila
Rose at pumunta sa kanyang kwarto at napagtanto nya na hindi nya dapat inasar
si Rose dahil mukhang mabait naman ito t inisenteng bata, maganda din ito at
unat ang buhok. Pero nagtataka si Robert kung bakit agad itong umiyak.
Kinabukasan, habang kumakain si Robert ng kanyang umagahan , hinanap nya ang
kanyang magulang kay Linda.
“ate
Linda, nasan ang magulang ko ?”
“naku!
Robert bumalik na ang magulang mo sa Maynila” sabi ni Linda.
“ha?!
Pano ako ?” sabi ni Robert.
“dito
ka daw mun habang nandito ako, sabay tayong uuwi sa Maynila” sagot ni Linda.
“kung
ganon ditto ako habang bakasyon ko? Dalawang buwan?” tanong ni Robert.
“oo,
Robert kaya sa ngayon ditto muna tayo at wag kang magalala, masisiyahan ka sa
mga pagkain at tanawin ditto a baguio” masayang sabi ni Linda.
Nawala
ng gana si Robert kumain.
“ate,
ilipit nyo na itog mga pagkain. Tapos na ko”
At
dahil walang pakealam si Robert sa kanyang paligid hindi sya sumasa kay Linda
sa kahit aning lakad nito. Ang kanyang nasa isip lang ay si Rose na hindi nya na ulit nakita. Gusting gusto
nyang humingi ng pasensya kay Rose sa ginawa nya. Unang beses nya hihingi ng
pasensya sa isang tao pero nagtataka sya bakit kay Rose pa na ngayon nya lang
nakilala. Bata pa lang si Robert, sampung taong gulang palamang sya pero kung
magisip sya ay parang nasa 12 na taonng gulang sya magisip pero parang 6 na
taon gulang kumilos. Dahil sa kagustuhan nyang Makita si Rose, pumayag syang
sumama kay Linda mamasyal pero may kondisyon kailangan kasama si Rose.
Nagaalinlangan si Linda dahil natatakot syang malungkot si Rose dahil si Robert
ang kasama.
“sige,
Robert isasama ko si Rose pero hindi mo sya pwedeng awayin o paiyakin” tugon ni
Linda.
Tuwang
tuwa si Robert sa sinabi ni Linda. Nagagalak syang maksama si Rose kahit hindi
nya ito nakasama o hindi nya pa talagang kilala. Sobrang saya ni Robert, gustog
gusto nya na makasama si Rose sa kanilang lakad. Hirap na hirap syang mamili ng
kanyang susuotin na damit, naiinis na syasa kanyang sarili dahil hindi nya alam
ang nangyayari sa kanyan sarili. Unang beses na pumunta si Robert sa Baguio
kaya hindi nya alam ang mga lugar dito. Unang pupuntahan nila Robert ang Burham
park, masyadong natuwa si Robert sobrang ‘excited’ nya na pero mas ‘excited’
syang Makita si Rose, gutong gusto nya na humingi ng tawad kay Rose. Pagdating
ng sabado, maagang gumising si Robert at Linda para maagang kumilos sobrang
saya ni Robert habang nagaayos ng kanyang sarili. Habang nasa biyahe papunta sa
bahay nila Rose tuwang tuwa sya hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.
Kapag dating nila sa bahay ni Rose agad nabumaba si Robert,
“Rose?
Magandang umaga. Pasenya nga pala sa nangyari satin nung nakaraan” nakangiting
sabi ni Robert.
At
dahil mabait na bata si Rose agad nyang pinatawad si Robet.
“magandang
umaga din, pasensya na at hindi ko alam ang iyong pangalan. Ngunit napatawad na
kita sa nangyari sana hindi na ito maulit” sagot ni Rose.
Nakangiti
silang dalawa pumasok ng kotse
“
ano mga bata, ayos na ba kayo? May gusto ba kayong daanan?” tanong ni manong
Cardo.
“wala
na po, manong” sagot ni Linda.
Dumiretso
na sila sa burham park. Kapag dating nila agad na naglibot sila Robert. Masyado
sila nasiyahan sa sinabing palaruan. At dahil bawal masobrahan sa saya si Rose
ay nahilo sya ata nawalan ng malay takot na takot si Robert at si Linda.
Nataranta si Linda sa nangyari sa kanyang pamngkin ay dali dali nyang binuhat
si Rose papunta sa sasakyan, si Robert ay tumakbo kasaby si Linda na gulong
gulo sa nangyayari, hindi nya alam na may sakit si rose. Pagdating nila sa
hospital agad na tinanong ni Robert si Linda kung ano ang nangyari kay Rose.
“bawal
masiyahan ng sobra si Rose, may sakit sya sa puso” naiiyak na sabi ni Linda
Masakit
para kay Linda na atakihin ang kanyang pamangkin ng sakit nito. Natatakot syang
mawala si Rose dahil sobrang mahal nya ito at ito ay napakabait na bat. Sinisis
ni Robert ang kanyang sarili sa nangyari. Iniisip nyang malas syang bata,
iniwan sya ng kanyang magulang a isang katulong. Pinaiyak nya si Rose at ito
pang nangyari kay Rose ngayon .nagmakaawa si Robert kay Linda na bumalik na
lang ng Maynila habang hospital si Rose dahil baka mas lalong lumalala pa ang
sitwasyon ni Rose. Dahil wala sa wesyo si linda pumayag sya sa gusto ni Robert.
Umiiyak na nagaayos ng gamit ang bata. Nagsulat sya ng liham para sa batang
babae. Na naglalaman na babalikan nya si Rose kapag matinong bata na sya.
Hanggang sa lumaki na si rose at Robert. Si Robert ay naging matinong bata, may
pagpapahalaga na din sya sakanyang paligid. Naisip ni Robert na balikan si rose
at hanapin sa baguio, unang pinuntahan ni Robert si Linda. Atsaka hinanap si
Rose.
“nako,
Robert ang laki mo ng bata, ang gwapo-gwapo mo, sobrang laki ng pinagbago mo”
sobrang saya ni Linda habang sinasabi ito.
“salamat
po, gusto ko po sanang amkita ulit si Rose, nasan po sya?” tanong ng binate.
“si
Rose ba, nako nandyan sya sa kanyang bahay, matagl ka ng hinihintay” sabi ni
Linda.
Agad
na pinuntahan ni Robert si Rose at niyakap ng mahigpit. Masayang binalita ni
Rose na wala na syang sakit. Parehas silang natuwa at hindi alam ang
nararamdaman. Sabay na umuwi ng Maynila si Robert at Rose para pinagpatuloy ang
koleheyo. Naging matibay ang relasyon ng dalawa at parehas suportado ng
magulang. Parehas na nasa ‘honor’ ang dalawa. Hanggang sa nagtapos sila nag
pagaaral nagplano si Robert na paghandaan ang magyaya nya kay Rose magpakasal. Walang
kamalay malay si Rose na may gantong plano pala si Robert na ganito. Sa baguio
plinaplano ng lalaki gawin ito. Hanggang sa umalik sila sa baguio para
magbakasyon. Habang nasa baguio ay hindi nagpaparamdam si Robert sa kanyang
kasintahan. Dalawang araw na makalipas simula nung nakarating sila sa baguio.
Isang gabi, sinundo ni mang Cardo si Rose upang dalin sa Burham Park.
Nagtatakang sumama si Rose kay Mang Cardo sya ay pinagbihis ng magandang damit
atsaka dinala sa sinabing lugar. Kapag dating nila ay bigla nya nakita si
Robert na niyaya syang pagpakasal. Sobrang saya ni Rose at sumagot ng “oo”.
“dahil
sayo natuto akong magkaroon ng pakealam sa paligid ko at magmahal ng katulad
mo” sabi ni Robert.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento