MGA TULA NI KIMBERLY GO
Balangaw
ni
Kimberly Go
Ang
kalikasan nating kay ganda ganda.
Ito ay
hiwaga na para bang apoy.
Siya ay
walang kupas kung magpahanga
Ang
misteryo nitong hindi mo matukoy.
Ang
ating kalangitan na kulay bughaw
Ngunit
bakit tila ito’y lumuluha.
Ang
aking nakita ay isang balangaw
Simbolo
ng pagbangon at pag-asa
Anong
nangyari sa Inang kalikasan?
Pagbigay
ng ating pangangailangan
Kapalit
natin ay ating kapabayaan
At
walang awa nating kinalimutan
Mga
tao rin siyang may kasalanan
Wala
nga rin itong pahahantungan
Kung
hindi rin tayo ang magtutulungan
Tatsulok
ni
Kimberly Go
Ang
buhay ng tao ay parang tatsulok
Taong
naka-Amerikano at barong
Mga
anak-pawis na sila’y nagluklok
Umasang
sila’y aangat at yayabong
Mga
taong nananatili sa ibaba
At ang
mga inosenteng nakahandusay
Tahimik
na pamumuhay at payapa
Minimithi
nilang kagandahan ng buhay
Mga
taong tinitingala sa itaas
Sila
ay patuloy na nang-aabuso
Sa
larangan ng buhay sila ay batas
Taong
mapagpanggap ngunit sila’y tuso
Pati
walang sala napagbibintangan
O
mundo na parang walang karapatan
Mga
mamamaya’y nagkakaubusan
Sa
aking mahal na bansang sinilangan
Ang
tala
ni
Kimberly Go
Ang
mga tala na aking tinitingala
Sa
kalangitan na aking pinagmamasdan
Pagdadasal
ko sa munting kapilya
Na
balang araw ito’y masusuklian
Subalit
kailangan ko rin ang magsagwan
Kahit
na mahirap hindi bibitaw
Alam
ko na ito’y may patutunguhan
Sa
dilim ng kalawakan ikaw ang ilaw
Pagguhit
at pagbasa ng mga aklat
Paghihirap
para lamang ika’y makamtan
Nagkasugat
man ako at nagkapeklat
Alaala
na di ko malilimutan
Balang
araw na ikaw ay makakamit
Paghihirap
ko na masusuklian
Mga
natutunan ko na magagamit
Na
laging lumingon sa pinanggalingan
Bughaw
at pula
ni
Kimberly Go
Sa aking
lupang sinilangan
Bayan
na aking kinalakhan
Kung
saan ang bughaw ay nasa kalangitan
At ang
pula ay nasa kailaliman.
Ngunit
ano na nga ba ang nangyari?
Dumadanak
na kulay pula sa aking tinatapakan
Mga
taong pinatay na walang kalaban laban
Nasaan
ang hustisya?
Ang
taong naka-piring na may bitbit na timbangan
Sino
nga ba ang lamang?
Lagyan
mo ang isa ng bugkos ng pera
Siya
na ang lalamang
Nasaan
na aking kinagisnan?
Tahimik
at payapa na aking minimithi
Ay di
mo na makakamtan
Ito ba
ang gusto niyong kalabasan?
Karera
ni
Kimberly Go
Sa
senyales na aking napakinggan
Ito ay
hudyat na ng aking laban
Pagtakbo
sa abot ng aking makakaya
Sa
pagnanais ko na ako rin ay magiging malaya
Balakid
na sa daan ko’y humaharang
Mga problema
na aking dinadaing
Hirap na
aking kinalimutan
Ako
nga pala’y may pinaglalaban
Sa
bawat hakbang na aking ginagawa
Dalawang
tao ang nasa isipan
Mga
alala na di ko makakalimutan
Kung
paano niyo ako inalagaan
Tanaw
ko na ang dulo
Ngunit
isang tanong ang nasa isipan
Ito
nga ba ay paunahan?
Bakit
tila wala ang kaligayahan?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento