Lumaktaw sa pangunahing content

Maikling Kwento: Liwanag sa Dilim


Liwanag sa Dilim

                                                          ni: Isaac Fuerte


Sa isang lugar sa Tondo, nakatira ang pamilya ni Rosco kasama niya sa bahay ang kanyang asawa at dalawang anak na sina Roy at Rosie. Hindi mo masasabing nasa may kayang pamilya si Rosco pagkat sa lugar nalang ng kanilang tahanan puro bakas ng kahirapan ang iyong makikita. Dumagdag pa sa problema ng kanyang pamilya ang pagkakaroon ng sakit sa puso ni Rosie kaya naman doble kayod si Rosco para sa kanyang pamilya ngunit hindi parin sapat ang kanyang kinikita sa pag-sideline sa mga construction at pag-pasada ng jeep upang maipangbili ng gamot at ipang tustos sa kanyang mag-iina. 

Sa araw araw na pagpasada niya sa jeep kulang na kulang ito pangbili pa lamang ng gamot ng anak na si Rosie. "Tay" masayang bungad ng kanyang munting prinsesa "ohh may pasalubong ang tatay!" Mapagbirong sabi ni Rosco sa anak saka niya inabot ang dalang lutu-lutuan para sa anak, maligaya namang pinagmasdan ni Rosco ang kanyang anak habang masaya itong naglalaro, isang masiyahing bata si Rosie sa kabila ng kanyang karamdaman kaya naman isang prinsesa ang turing sa kanya ni Rosco. "T.....A....Y..." Humahangos na tumakbo si Rosco kay Rosie ng makita niya itong walang malay kaya naman agad niyang tinawag ang kanyang asawa upang maitakbo na nila sa hospital ang kanyang anak.

Pilit ginigising ni Rosco ang anak habang sila'y patungo aa pinaka malapit na hospital habang ang kanyang asawa nama'y naiiyak sa sobrang pag-aalala. "Konti nalang anak malapit na tayo" bulong ni Rosco sa anak. Pagdating nila sa hospital agad na dinala si Rosie sa emergency room habang ang mag-asawa naman ay naghihintay sa labas nito. "Habang maaga po sinasabi ko na sa inyo na kailangan na pong dumaan sa heart transplant ang anak niyo, dahil pahina na ito ng pahina ang kanyang puso kaya kailangan niyo pong maghanda ng malaking halaga". 

Napaluha naman ang asawa ni Rosco sa kanyang maririnig pagkat batid nilang dalawa na hindi na sapat ang kanilang kinikita upang maipangbayad sa gastusin ng anak. Habang binabantayan ng asawq ni Rosco ang kanilang anak, lumabas naman sumandali si Rosco upang maghanap ng paraan para makahanap ng pera para ipang bayad sa gastusin ng anak. Habang nasa labas ng hospital si Rosco may nakita syang isang mayamang babae na inalapag sa upuan ang kanyang bag habang may kausap ito sa telepono. 

Alam ni Rosco na mali ang nasa isip niya pero desperado na syang makahanap ng pera para sa anak kaya naman humanap siya ng tiempo saka niya kinuha ang bag ng babae saka siya tumakbo, nahagip niya ang babae kaya hinabol ng mga pulis si Rosco hanggang sa ma-corner niya ito. Nakulong si Rosco dahil sa kanyang nagawa kaya naman ganon na lamang ang pag hingi nya ng tawad sa babae at sa kanyang mag-iina. 

Sa taon ng pamamalagi ni Rosco sa kulungan napag isip-isip nya na hindi krimen ang sagot sa problema ng tao, dapat ay matuto lang tayong magtiwala sa Diyos. Habang nasa kulungan nabalitaan ni Rosco na naoperahan na ang kanyang munting prinsesa at ang mas gumulat sa kanya ay ng malaman nyang ang babae na pinagtangakaan nyang nakawan ang syang tutulong sa kanya kaya ganoon na lamang ang pasasalamat nya rito kaya ipinangako nya sa kantang sarili na magbabago na siya para sa kanyang pamilya. Sa loob ng kulungan niya natutunan na may plano ang Diyos para sa lahat, dapat ay matuto lang tayong maghintay at wag tayong magmadali.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

maikling kwento: dahil sa baguio

Dahil sa baguio mula kay Anna Marice Adelmae Urbano  Si Robert ay isang mayamang batang lalaki, sya ay nakatira sa maynil, luho sya sa lahat ng bagay. Hindi nya pinapahalagahan lahat ng tao o bagay sa kanyang paligid. Baliwala sa kanya at hindi nya ginagalang ang kanyang magulang na sina Bert at Rica Naval. Si Rica at Bert ay parehas galing sa mayamang pamilya, parehas hindi nakaranas ng hirap ngunit sila ay parehas na may pagpapahalaga sa mga bagay bagay kaya gusto nilang matuto ang kanilang anak. Gusto nilang matutong gumagalng ang kanilang anak, kaya pinadala nila ang bata sa probinsya ng kanilang katulong na si Linda, upang doon matuto ng mabuting asal. Ang probnsya ni linda ay sa baguio. Iiwan ng mag-asawang naval si Robert sa baguio ngunit hindi alm ng bata ang alam nya lang ay magbabakasyon lamang sya. Pinagdala si Robert ng madaming damit at gamit pang araw-araw. Dhil walng pake si Robert sa kanyang paligid ay hindi nya napansin na iiwan sya sa Baguio kasama si Lin...

Mga Tula

MGA TULA NI KIMBERLY GO Balangaw  ni Kimberly Go Ang kalikasan nating kay ganda ganda. Ito ay hiwaga na para bang apoy. Siya ay walang kupas kung magpahanga Ang misteryo nitong hindi mo matukoy. Ang ating kalangitan na kulay bughaw Ngunit bakit tila ito’y lumuluha. Ang aking nakita ay isang balangaw Simbolo ng pagbangon at pag-asa Anong nangyari sa Inang kalikasan? Pagbigay ng ating pangangailangan Kapalit natin ay ating kapabayaan At walang awa nating kinalimutan Mga tao rin siyang may kasalanan Wala nga rin itong pahahantungan Kung hindi rin tayo ang magtutulungan Kung ito’y masira tayo’y mawawalan. Tatsulok ni Kimberly Go Ang buhay ng tao ay parang tatsulok Taong naka-Amerikano at barong Mga anak-pawis na sila’y nagluklok Umasang sila’y aangat at yayabong Mga taong nananatili sa ibaba At ang mga inosenteng nakahandusay Tahimik na pamumuhay at payapa Minimithi nilang kagandahan ng buhay M...