ni Kimberly Go
Kung kikilalanin mo lahat ng mga tatay sa buong mundo
siguro ang aking tatay na ang pinakastrikto
sa kanilang lahat. Ang aking tatay o Dada ang tawag ko sa kaniya. Ang aking
Dada ay tahimik ngunit may kamay na bakal sa pagdidisiplina sa amin ng aking
kapatid. Dalawa lang kaming magkapatid ako ang bunsong babae siya naman ang
panganay na lalaki. Hindi maiiwasan ang pag-aaway sa magkapatid lalo na’t
pagbata pa lang ang mga ito kaya sa tuwing kami ay mag-aaway asahan mo ng ang
aming tatay ang haharap sa amin upang kami’y disiplinahin. Lumaki kaming may
takot sa aming tatay dahil sa paraan niya sa pagdidisiplina sa amin. Paglatay
ng sinturon at tangkay ng isang puno, pagluhod sa bigas o munggo, pagsquat sa
ibabaw ng upuan habang may nakapatong sa braso na mga librong makakapal ilan
lamang ito sa paraan niya ng pagpaparusa sa amin ng kapatid ko. Isa na rin
siguro ito sa mga dahilan kung bakit malayo ang loob naming sa aming Dada. Nakalatawa
man minsan isipin na dati ay hiniling ko sana umalis na lang siya sa malayong
lugar o kami ang aalis ng aking kapatid noong kami ay musmos na bata pa lamang.
“Mahal mo ba yang Dada mo?“ ang biglaang tanong ng aking ina. Hindi ko alam ang
aking isasagot dahil masama pa rin ang loob ko sa aking ama. “Hindi.“ isang
salita na bigla na lang lumbas sa aking bibig. Hindi maipinta ang reaksyon ng
aking ama dahil sa aking sagot. Siya ay maaaring matapang at walang
kinakakatakutan ngunit siya rin pala ay nagtataglay ng malambot na puso.
Ngayon na kami ay nagkakamuwang na at naiintindihan na ang
mga ilang bagay ay bahagya ko ng naiintindihan ang aking ama na naging malupit
sa aming pagkabata. “ Malaki na kayo hindi ko na gagawin ang pagpaparusa ko
sainyo at iwasan niyo na rin ang mag-away dahil malalaki na kayo.” wika ng
aking ama. Ditto ko naintindihan na siya ay naging panakot lamang sa amin upang
kami ay maging disiplinado kami ngunit malayo pa rin ang loob naming sakanya
dahil na rin siguro sa matagal na panahon na hindi kami naging malapit sa
isa’t-isa. Ang aking Dada ay hindi rin gaanong nagpapakita ng emosyon o walang
imik. Maaaring hindi niya ito napapakita sa amin o napaparamdam ngunit sa
kalooban niya ay siya ay masaya para sa amin.
Nadatnan kong nag-aayos ng mga papeles ang aking ama sa
aming sala at mayroon na rin siyang maleta na nakahanda buong pagtataka kong
tinanong, “ Saan ka pupunta Dada? “ “ Napagdesisyunan ko na sumama na sa iyong
tito Thady sa Dubai upang doon na maghanap ng trabaho. Sa susunod na linggo na
ang alis namin, “ Nagulat ako sa aking narinig na biglaan ang alis ng aking ama
ngunit hindi na lang ako umimik at hinayaan na lamang siya. Mukhang dinilig na
ng langit ang aking kahilingan na umalis na ang aking ama. Para sa akin siguro
ay wala lang ang pag-alis niya dahil alam ko namang hindi ako malulungkot sa
kanyang pag-alis.
“ Gising na aalis na ang Dada niyo.” Isang tinig ang aking
narinig at gumising sa akin. Kami ay naghanda na upang ihatid ang tatay naming
papuntang airport. “Oh, baka maiyak Dada niyo pag-alis niyan.” Tuwawa lang
aking Dada at nagbiling, “Magpakabait kayo sa Mama niyo ah huwag kayo maging
sakit sa ulo sa kaniya. Tulungan niyo siya sa gawaing bahay.” Nagpatuloy ang
pagkwento at ang mga bilin ng aking ama’t ina na para bang sinusulit na ang
bawat oras na kami ay magkakasama. Ako naman ay naging tahimik lang buong
biyahe at ako ay may nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Dumating na kami sa
airport at oras na upang magpaalam sa aking ama dahil siya ay aalis na. Kami ay
lumabas na ng sasakyan at oras na upang magpaalam. Hindi ko maipaliwanag ang
aking nararamdaman para bang may lungkot sa akin. At sa huling sandal ay
niyakap ako ng aking ama “ Aalis na ko magpapakabait kayo. I love you. “ mga
salitang ni minsan ay hindi ko diretsang mabanggit sa kaniya ang aking narinig.
“ Paalam mag-iingat po kayo.” wika ko yoon lang ang aking nasabi at wala ng
iba. Tuluyan ng pumasok sa loob ng airport ang aking tatay hanggang siya ay
hindi ko na matanaw. Sumakay na kami pabalik ng kotse at naging tahimik. Ako
biglang napapaisip sa aking nararamdaman ang lungkot na sinabi ko na hindi
mararamdaman ay ito patuloy na bumabagabag sa akin.
Lumipas na ang ilang linggo ay tuloy pa rin ang aming buhay
kahit na nasa Dubai na ang aking ama. “Mama, pwede mo ba akong samahan sa
hardware store sa Valenzuela kailangan lang ngayon?” “Anak., bakit ngayon mo
lang sinabi alam mo naman malayo yoon sa atin at wala na ang Dada mo upang
samahan ka. At saka may ginagawa ako kanina ko pa nga to ginagawa yung
napunding ilaw hindi ko maayos ayos. “
Marami akong napagtanto na mga bagay bagay na kapag wala
ang aking ama. Wala na sasama sa akin kapag ako ay pupuntahan, wala na
mag-aayos ng mga nasirang bagay sa loob ng bahay, wala ng tutulong sa aking mga
proyekto. Wala na, wala na ang aking tatay nasa malayong lugar na at doon na
nagtatrabaho. Maaaring siya ay naging malupit sa amin noong kami ay bata pa
ngunit siya naging ganoon lamang upang kami ay lumaking disiplinado. Siya man
ay hindi nagpapakita o sinasabi ang kanyang tunay na nararamdaman ang mahalaga
ay kahit hindi natin ito naririnig mula sa kanila ay nararamdaman naman natin
ito. Isang huling hiling ang aking naisip n asana ay bumalik na ang aking ama
at hindi na muling aalis pa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento