Inang Kalikasan
Isinulat ni Joshua Navarez
Ang kaligtasan ng kalikasan ngayon
Ay nasaatin ngunit puro pangako
Mga pangako na laging napapako
Mga pangakong pinangako ng tao.
Magagandang tanawin na binaliwala
Mga taong nangako ngunit nawala
Ganda ng kalikasan binaliwala
Pagos sa pag-alaga biglang lumala.
Ganda ng kalikasan di ko nagisnan
Mata kong gustong makakita ng ganda
Handang maglakbay magisnan lang ang tunay
Tunay na ganda ng inang kalikasan
Ang ibon ba ay meron pang dadapuan
May dagat pa kaya tayong malalanguyan
O malinis na lupang tatayuan
Di pa huli ang lahat upang mag bago.
Mga PIlipino
Pilipinas itinuring na pintuan ng asya
kaya't sobrang saya ng buong bayan.
Sapagka't maraming nag hihirap at nag papakahirap
Para sa pamilyang milya-milya ang distansya.
Pilipino ang mga nangangalaga sa pilipinas
na minsan naranasan ang lupit ng dayuhan.
Nagkaisa upang sugpuin ang mga suliranin
At hamon na kasing taas at lakas ng alon.
Problema ng Pinas
Droga ang isyu sa Pilipinas ngayon
Bawat sulok ng Pinas maraming takot
Maraming takot madukot at mapatay
At maraming takot sa kamay na bato.
Si president Duterte ang bahala don
Handa siya mag buwis ng buhay para don
Wala siayng takot para sa Pinas
Ipag lalaban niya ang Pilipinas.
Maraming inosente ang nadadamay
Pulis at Sundalong nag buwis ng buhay
Sapagka't siya ay nag papasalamat
Sa mga bayani kahit nag ka lamat.
Batang Musmos
Ako'y musmos palamang sa Pilipinas
Isang bata na walang Kaalam-alam
Ang ating mundo ay maraming sagabal
Ang aking proteksyon ay isang balabal
Basang Sisiw na wala nang masilungan
Ang Kalbaryong ito walang Hanggan
Bata na walang ka alam-alam dito
Umaasa ako'y hindi maging "Preso".
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento