Tayog
mula kay: Anna Marice Adelmae Urbano
Bansang aking ipagmamalaki
Kahit saan man ako makarating
Magandang tanawin sa perlas ng silangan
Lahat ito ay aking tatanawin
Lahat ng tanawin ditto ay aking susuriin
Walang palalagpasin pati pagkain
Perlas ng silanganan ay aking dadayuhin
Bayanihan ay aming kultura
Isama mo na ang pagiging magalang
Pilipino ay masasaya sa bawat oras
Lahat ay aming kaibigan, Pilipino man o dayuhan
Pilipinas ipagmamalaki kita
Mapunta man ako sa timog o hilaga ng mundo
Kutura mo ay iingatan ko
Dahil ika’y mahal ko
Ang mundo’y puno ng kagandahan
Naiiba sa lahat
Munti
mula kay: Anna Marice Adelmae Urbano
Kaya dapat natin itong pangalagan
Ating mundo’y bigyan natin ng halaga
Ating isiwalat natatagong ganda
Munting kalikasa’y nagbibigay pag-asa
Sa ating mundong napuno na ng grasa
Dapat tayong maging disiplinado
Muling buhayin mga punong patay na
Munting kalikasa’y na ati’y nagtampo
Sa mundong ng ga walang kwentang tao
Nawa’y ating mali, ati’y mapagtanto
Natuto tayong makipagkapwa tao
Kagandahan ay ating panatilihin
Nawa’y ating kalikasa’y mahalin
Sa mundong walang kasiguraduhan
Tayo na’y magintindihan para sa kinabukasan
Problema
mula kay: Anna Marice Adelmae Urbano
Kahirapan, korapsyon isyu ng bayan
Solusyon nga ba talaga ang patayan
Bato na sumira ng utak ng tao
Lumalabas na ang mga tunay na baho
Mga inosentang tao ay nadadamay
Kailangan bang kunin ang kanilang buhay
Ano ba ang nangyayari sating bayan?
Umuulit ba ang ating kasaysayan?
Kahirapan sa ating bayn solusyunan
Para sa ikauunlad ng lipunan
Pera ng bayan gamitin nyo ng tama
Ating bayan ayusin ng sama sama
Isyung panlipunan ating aksyunan
Mga mali ng tao ating pigilan
Gumagawa ng paraan para sa bayan
Mga mali ng tao ating solusyunan
Baliktanaw
mula kay Anna Marice Adelmae Urbano
Hindi ko yata mabilang kung ilan
Di ko na yata matandaan kung kalian
Ano bay an, kulang yata ang sandaan
Para mabigkas ko sayo ng tahasan
Sige, tara samahan mong balikan
Kung paano ko ito inumpisahan
Siguraduhin mong makikinig ka ha?
Wag kukurap, baka may kaligtaan ka!
Ngunit siguradong, masasabi ko na
May mga panahong ika’y madadapa
Mga oras na tipong ayaw ka na
Wag, kaibigan sinasabi ko huwag
Patakbo o palakad, oo mabagal
O mabilis? Mahalaga pasugod ka
At hindi pabalik. Pangarap mo, laban
Wag kukurap baka may kaligtaan ka
Rosas
mula kay: Anna Marice Adelmae Urbano
Hindi dapat ikumpira sa iba
Bulaklak na nagbabaga
Rosas na nagbabaga
Wala kang pwedeng pagkumparahan
Sapagkat ako’y may nakaraan
Nakaaraang gugustuhin kong balikan
Upang sa nakaraan, kayo’y bigyang daan
Kung ating babalikan, tila ako’y isang rosas
Gandang namumukod tangi sa lahat
Mga tinik na nagsisilbing tapang ko
Halimuyak nito’y walng kapantay
Tinik na nagsisilbing katapangan
Talulot na kasing ganda ng katangian
Nagniningning na mga kulay
Ako’y isang rosas
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento