Ang mga tulang inilikha ni Adrian Cedo
Suliraning Panlipunan
Lipunang may suliraning hinaharap
Mga taong dumaan sa paghihirap
Tungkulin ng mamamayang Pilipino
Mamuhay ng totoo at matino
Pagpata’y hindi natin maiiwasan
Mamamayang, salot sating kalikasan
Mga batas na dapat ay maisulong
Upang di madagdagan ang nakukulong
Halina’t bumangon, mga mamamayan
Upang baguhin, kinalakihang bayan
Halina’t iparamdam, ang pagmamahal
Ipakita natin, tayo ay marangal
Isyung panlipunan ay ating lutasin
Kinabukasa ay ating bigyang pansin
Halina’t tayo’y magkaisa’t
magtulungan
Isyung panlipuna’y huwag kalimutan
Likas
Ang kalikasan, ating pangalagaan
Likas na yaman, ating pakinabangan
Likas na yaman, diyos ang pinagmulan
Mga biyaya, para sa mamamayan
Ang kalikasan ay ating bigyang pansin
Mga dumi at kalat, ating linisin
Panatilihing malinis, kalikasan
Mga turista’y, sadyang nagagandahan
Ang kalikasa’y, huwag pagtalikupan
Likas na yaman ay huwag sabuwatan
alagaan natin, inang kalikasan
upang tayo’y mabigyang, kaligayahan
Ang kalikasan, ating ipagmalaki
Bilang tanyag na parang isang lalaki
Ating ipagmalaki, ang kabuhayan
O kalikasa’y, aking kaligayahan
Pilipinong Nangangarap
Maraming Pilipino ang nangangarap
na mamuhay ng may saya at may sarap
Mga pangarap na kailanga’y matupad
Upang makamit ang masayang paglipad
Ang pangarap ay di madaling abutin
Tulad ng pagpulot ng makinang bituin
Tayo’y magsikap sa pangarap ng masa
mapapatunayang tayo ang pagasa
Paglipad sa pangarap ay mapanlinlang
Makakasalubo’y mga taong mang-mang
Tentasyon natin ay huwag pairalin
Tayo’y magpatatag sa ating layunin
At sa wakas! Ang pangarap ay nakamit
pinaghirapa’y hindi ipagkakait
Mga pamana’y ating pagpapasahan
mga pilipinong, ating aasahan
Tinubuang Lupa
Tinubuang Lupa, ating pagyamanin
Gandang pilipinas, saati’y
pakinabangan
Tinubuang lupa, ating ipagmalaki
Gandang pilipinas, bigyang dangal
Pagmamahal sa tinubuang lupa ay
pagyamanin
At tayo’y mamahalin ng inang
pilipinas
O ina, tinubuang lupa
Kami iyo’y pakiingatan
Pansariling tula:
Ang paglalakbay
Ang paglalakbay
Paglalakbay, o kay gandang libangan
Mga destinasyo’y ating tutuklasin
Kasaysaya’y ating aalamin
O kay gandang pook, ating bisitahin
Mga magarbong tanawin, ating aalamin
Mga pambansang Relic, Ating tutuklasin
Ang pilipinas, kay yaman ng kasaysayan
Ang mga pook, kay gandang masdan
O simoy ng hangin, kay gandang
pakiramdam
Mga probinsya’y, malinis at masigla
Mga kakaibang kultra’y, katangi-tangi
Mga pilipino’y, sari-saring uri
O biyahe ko’y magtatapos rito
Mga natutuna’y aking pagyayamanin
Mga bagong kaibiga’y aking iingatan
O Paglalakbay, kay gandang libangan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento