Lumaktaw sa pangunahing content

Maikling Kwento - Hindi Inaasahang Pag-ibig

Hindi Inaasahang Pag-Ibig
Sulat ni Adrian Cedo

Sa isang lugar sa maynila ay may malawak na establishimento kung saan ay may eskwelahan at tila ang lugar ay parang isang syudad para sa mga estdyante. Ito ang Nurturing highschool of the Philippines o NHOP. Sa lugar na ito ay may estudyanteng nagngangalang Zed. Siya ay kalahating pinoy at kalahating kastila, 17 gulang, gwapo, at makisig. Siya ay nasa class 1-D, kasama nya ay ang isang Briton na si Isabelle, 16 years old. Siya ay napakaganda at hinanangaan ng karamihan, natabi sya kay zed. Si zed ay hindi palakausap at tila gusto lang niyang mapagisa samantalang masayahin at palakaibigan si Isabelle.

Isang araw sa klasroom ay may pagsusulit na itinakda, si isabelle ay todo todo sa pag rereview habang si zed ay nakatulala lang sa bintana, tinanong ni isabelle si zed “Hindi ka ba magrereview?”. Sabay sabi ni zed “Magreview ka nalang, huwag mo na akong pansinin”. Napayuko nalang si isabelle, pero iniisip din niya na gusto niyang makapasa lahat ng estudyante para makaakyat sila sa class 1-A. Habang sinasagawa ang pagsusulit ay napatingin si isabelle kay zed at napansin niyang seryoso si zed kaya natuwa naman siya, pagka anunsyo ng mga iskor ay nataasan ni Isabelle si zed ngunit ipinagtataka niya kung bakit eksaktong kalahati ang iskor ni zed. Siya ay nagtanong “Bakit ganyan ang iskor mo, kala ko ba seryoso ka?” sabi naman ni zed “Gusto ko lang talaga na kalahati iskor ko.” Napaisip si Isabelle sa sinabi ni zed pero hinayaan nalang niya ito, Sa tingin ni isabelle ay sobrang talino ni zed, dahil din ito sa kanyang itsurang kastila na tila kay hanga hanga.
Bago ang markahang pagsusulit ay gumawa ng study group si Isabelle. Nais niyang isali si zed kaya naman inimbitahan niya ito ngunit, tinanggihan ni zed ang paanyaya ni isabelle, nagpumilit si isabelle kaya naman sinabi niyang hindi na niya kukulitin si zed basta’t sumali lang siya sa study group niya, wala namang nagawa si zed kaya’t pumayag na ito. Nagpunta sila sa library kung saan sila ay magaaral para sa paparating na pagsusulit, naghanap ng mga tanyang na libro si zed at umupo sa hindi mataong lugar, hinanap ni isabelle si zed at nakita niya itong nagbabasa ng mag isa kaya’t sinamahan niya at kinausap si zed. “Bakit mag isa ka lang? ayaw mo ba ng may kaibigan?”. “Simula pagkabata mag isa na akong namumuhay. Mas enganyo ako pag namumuhay mag isa”. Nagkwento naman si isabelle “Mahirap ding mabuhay na dapat lagi kang sumusunod, kase hindi mo nagagawa ang gusto mo”. “Sabagay, pero dapat lang na mamuhay tayo ng may kalayaan ngunit, dapat mayroon ding gumagabay saatin”. Sabay pabulong na sabi “hindi ko alam kung pati ba ako ay nagabayan”. Napatanong si Isabelle “Ha?, may sinabi ka ba?”. “Wala, wala”. Nagpanggap si isabelle na hindi niya narinig ang huling sinabi ni zed, pero nag aalala din siya sa kalagayan ni zed at gusto niyang matulungan si zed kung may pinagdadaanan man ito. “Zed, ok lang ba na humingi ako ng pabor?”. “Ano iyon Isabelle?”. “Gusto ko na sana tulungan mo akong makaabot sa class 1-A”
“Sige, pero gusto ko na huwag mo akong utusan kung anong gagawin, mind your own business, and I will do mine”. Natuwa naman si isabelle sa sinabi ni zed kaya naman enganyo siyang mag aral.
Dumating naman ang school festival sa NHOP, si zed naman ay sumali sa basketball team ng 1-D para lumaban sa basketball division. Ang natapat sa kanilang kalaban ay 1-A, napansin nila na maliliksi ang mga miyembro ng 1-A Basketball team, samantalang sa 1-D naman ay si zed ang pinaka sentro ng atensyon dahil sa kanyang pagkakisig at maharlikang kagwapuhan, Nang nagsimula ang laro ay ipinasa kay zed ang bola at tsaka siya gumawa ng ankle breaker crossover na nakalusot sa depensa ng kalaban at naka iskor ng dalawang puntos, siya rin ay mabilis kaya’t nakuha niya ang bola nang sinubukan itong ipasa sa kalaban, nag dunk naman siya para maka iskor ng dalawang puntos, siya rin ay isang magaling na three pointer kaya’t panalo ang 1-D class 98-82. Namangha naman si ray sa ipinakitang galing ni zed, si ray ay isang mabait at mapagkawang gawa na estudyante, siya rin ay ang shooting guard ng 1-D team kaya naman laking pasasalamat niya sa ipinakitang laro ni zed. Tuwang tuwa naman si Isabelle sa ipinakita ni zed, bakas sa kanya ang paghanga kay zed kaya naman inasar siya ng kaibigan niyang si Airi.

“Nako Isabelle, mukhang may feelings ka kay zed ah”. “Wala kaya, tuwang tuwa lang ako” Namumulang sagot ni Isabelle. Napaisip din siya na bakit kaya napakagaling ni zed. “May kinalaman kaya sa nakaraan ni zed ang kanyang kasanayan?”. Sa arts naman ay nagpakitang gilas si zed sa husay niya sa pag pipinta, Ipininta niya ang isang likha ng kanyang idulo na si Picasso, nanalo naman siya dahil sa husay niya sa sining. Sa siyensya naman ay nasagot niya ng walang mali ang quiz bee, kaya’t naparangalan siya ng gintong medalya. Tuwang tuwa naman si Isabelle sa husay ni zed at tila unti-unting namumuo ang malalim na paghanga niya kay zed. Sumali rin sa piano competition si zed kung saan pinatugtog niya ang Hungarian Rhapsody 02. Ang paborito niyang piyesa. Labis ang pagkamangha niya kay zed. Napaisip siya sa kanyang nararamdaman. “Ano itong nararamdaman ko sa aking dibdib? Napakasikip,  ito na nga ba ang tinatawag nilang pag ibig?” namumulang sabi ni Isabelle.

Dumating ang oras para sa huling parte ng selebrasyon, ang engrandeng fireworks display. Tuwang tuwa ang lahat dahil sa ganda ng mga makukulay na paputok. Si zed naman ay pumunta sa roof top ng iskwelahan para mag muni muni, pinuntahan siya ni isabelle. “Zed, napakagaling mo naman, hindi ko inaasahang may mga talento ka palang itinatago”. “Paano mo ako nahanap dito? At salamat sa papuri, ginawa ko lang iyon dahil gusto mo na tulungan kitang maabot ang pangarap mo”. “Alam ko namang dito ka pupunta dahil alam kong mapag isa kang tao”. “Mukhang kilala mo na ako ah”. “Zed, pwede bang belle nalang itawag mo saakin?”. “Pagiisipan ko muna iyan”. Tuwang tuwa naman si isabelle dahil nakausap niya ang kanyang iniidulo. Sinamahan niya ito hanggang matapos ang pagdiriwang at saka umuwi.

Habang pauwi si Belle ay may isang lalaki na nagtatangkang nakawin ang bag na kanyang dala, naglabas ng kutsilyo ang lalaki at tila may ibang balak gawin kay belle, ng subukang sakalin ng lalaki si belle ay may biglang lumaban dito, Dumating si zed upang iligtas si belle. Nanlaban si zed sa kriminal, nakita din ni Belle ang mga galawan ni zed na tila isang eksperto, nakuha ni zed ang kutsilyo kaya binantaan niya ang kriminal, tumakbo ang kriminal ngunit may matalim ito na binato kay zed kaya natamaan siya at kailangang isugod sa ospital, pagkagising naman ni zed sa ospital ay nakita niya si Belle na natutulog sa tabi niya at tila’y kagagaling lang sapag iyak, napaisip si zed “Ito ba ang ibig sabihin ng mga taong concern sayo?” Napangiti naman si zed, nagising si belle at sabay yakap kay zed, sinabi niya kay zed “Zed, hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan pero dahil din doon ay napahamak ka, hindi ko alam ang gagawin kung mawawala ka sa tabi ko”. “Belle, hindi mo na kailangang bayaran ang pagligtas ko sayo, ginawa ko iyon dahil naisip ko ang kahalagahan ng isang kaibigan sa kanyang kaibigan. Salamat”. Tuwang tuwa naman si belle dahil tinawag siya ni zed sa kanyang nickname. Simula dito ay tila naging buhay ang kalooban ni zed. Lagi silang magkasama mapa recess o lunch man at hinahatid ni zed si belle sa kanyang tahanan. Isang araw si zed ay naglalakad sa park at nakita niya si belle, “Belle, bakit ka nasa park?”. “Ah gumagala lang ako zed, ikaw ba?”. “Naglalakad lang ako dito eh”. Napaisip si belle ng diskarte para maidate si zed. “Zed, pwede samahan mo ako ngayong araw?”. “Sige ba. Ikaw bahala kung saan tayo pupunta, magsusuggest ako kung may naisip ako”. Nagkatuwaan naman sila habang naglalakad sa park,
Nagpunta sila sa isang cafĂ© at nagkwentuhan “Zed, sa ranked exams dapat galingan natin para maabot natin yung pangarap natin.” “Sige, basta galingan mo ah”.

Lumipas ang ilang araw at oras na para sa ranked exams, dito malalaman kung sino ang karapat dapat na makarating sa A class. Pagkakuha ng mga papeles ay nagtaka ang karamihan sapagkat napakahirap ng mga tanong sa exam, si belle naman ay ginagawa ang lahat dahil para din ito sa kanyang pangarap at para rin kay zed. Si zed naman ay napaka relax lang dahil alam na alam niya ang lahat ng tanong sa exam at kaya niya itong sagutin, nang tumingin siya kay belle ay hirap na hirap ito kaya’t binulong niya “Kaya mo iyan belle, nagtitiwala ako sayo” .

Nagkaroon ng motibasyon si belle kaya dali dali siyang nag isip at sumagot sa exam. Nang matapos ay nakuha nila ang resulta ng exam, halos lahat sa klase ay di nakapasa maliban kay belle at zed na nakakuha ng dalawang pinakamataas na puntos sa klase, si belle na nakakuha ng 85/100 habang si zed naman ay nakakuha ng eksaktong 100/100, nagtaka ang lahat kung paano nakuha ni zed ang perfect score. Lumakad ang isang teacher sa classroom at nagulat si zed na ang panauhing iyon ay ang nagturo sa kanya noong bata pa siya. Ang sinabi ng teacher ni zed “Nakuha ni zed ang perpektong marka dahil siya ay ang produkto ng aming pagsuri, si zed ay may IQ na higit pa sa inaakala ninyo dahil simula bata palang ay pinagsasagot na naming siya ng mga mahihirap na katanungan, at siya rin ay tinetrain naming sa pinakamataas na antas ng routine kaya naman ganoon ang kanyang liksi at kalakasan. Patunay lang ito na isang tagumpay ang aming eksperimento sa pag likha ng isang perpektong estudyante” Patawang salita ng guro habang lumalabas sa klase. Tumakbo naman si zed sa roof top at balak sana nitong tumalon mula doon ngunit pinigilan siya ni belle. “Huwag zed! Hindi ko kayang mawala ka”. “Pero totoo ang sinabi ng guro na iyon, isa lang akong produkto ng eksperimento, wala akong saysay sa mundong ito”. “Pero meron, meron kang papel sa buhay ko. Zed, simula palang ng makilala kita alam kong ikaw ang naiiba sa lahat, dahil ikaw yung tipo na inosente, tapat at totoo sa sarili. Hindi man mapalad ang buhay mo pero masasabi kong mayaman ka, ikaw ang yaman ko, ang taong pinakaiingatan ko, ang taong nagbigay saakin ng motibasyon, ang taong nagbigay ng liwanag sa buhay ko, at ang taong nagpatibok ng puso ko. Zed, mahal kita, susuportahan kita, hindi kita iiwan, nandito lang ako zed, ayaw kong mawala ka”. Laking gulat ni zed sa sinabi ni belle at hindi niya ito inaasahan, ngunit naging tapat si zed sa kanyang damdamin “Mahal din kita, Belle, ikaw lang ang taong nakakaintindi saakin, at ikaw lang ang sumusuporta saakin, huwag kang magalala, hindi kita iiwan. Magpakailan man” simula noon nakatungtong sila sa Class A at namuhay ng mapayapa.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Maikling Kwento: Liwanag sa Dilim

Liwanag sa Dilim                                                           ni: Isaac Fuerte Sa isang lugar sa Tondo, nakatira ang pamilya ni Rosco kasama niya sa bahay ang kanyang asawa at dalawang anak na sina Roy at Rosie. Hindi mo masasabing nasa may kayang pamilya si Rosco pagkat sa lugar nalang ng kanilang tahanan puro bakas ng kahirapan ang iyong makikita. Dumagdag pa sa problema ng kanyang pamilya ang pagkakaroon ng sakit sa puso ni Rosie kaya naman doble kayod si Rosco para sa kanyang pamilya ngunit hindi parin sapat ang kanyang kinikita sa pag-sideline sa mga construction at pag-pasada ng jeep upang maipangbili ng gamot at ipang tustos sa kanyang mag-iina.  Sa araw araw na pagpasada niya sa jeep kulang na kulang ito pangbili pa lamang ng gamot ng anak na si Rosie. "Tay" masayang bungad ng kanyang munting prinsesa "oh...

maikling kwento: dahil sa baguio

Dahil sa baguio mula kay Anna Marice Adelmae Urbano  Si Robert ay isang mayamang batang lalaki, sya ay nakatira sa maynil, luho sya sa lahat ng bagay. Hindi nya pinapahalagahan lahat ng tao o bagay sa kanyang paligid. Baliwala sa kanya at hindi nya ginagalang ang kanyang magulang na sina Bert at Rica Naval. Si Rica at Bert ay parehas galing sa mayamang pamilya, parehas hindi nakaranas ng hirap ngunit sila ay parehas na may pagpapahalaga sa mga bagay bagay kaya gusto nilang matuto ang kanilang anak. Gusto nilang matutong gumagalng ang kanilang anak, kaya pinadala nila ang bata sa probinsya ng kanilang katulong na si Linda, upang doon matuto ng mabuting asal. Ang probnsya ni linda ay sa baguio. Iiwan ng mag-asawang naval si Robert sa baguio ngunit hindi alm ng bata ang alam nya lang ay magbabakasyon lamang sya. Pinagdala si Robert ng madaming damit at gamit pang araw-araw. Dhil walng pake si Robert sa kanyang paligid ay hindi nya napansin na iiwan sya sa Baguio kasama si Lin...

Mga Tula

MGA TULA NI KIMBERLY GO Balangaw  ni Kimberly Go Ang kalikasan nating kay ganda ganda. Ito ay hiwaga na para bang apoy. Siya ay walang kupas kung magpahanga Ang misteryo nitong hindi mo matukoy. Ang ating kalangitan na kulay bughaw Ngunit bakit tila ito’y lumuluha. Ang aking nakita ay isang balangaw Simbolo ng pagbangon at pag-asa Anong nangyari sa Inang kalikasan? Pagbigay ng ating pangangailangan Kapalit natin ay ating kapabayaan At walang awa nating kinalimutan Mga tao rin siyang may kasalanan Wala nga rin itong pahahantungan Kung hindi rin tayo ang magtutulungan Kung ito’y masira tayo’y mawawalan. Tatsulok ni Kimberly Go Ang buhay ng tao ay parang tatsulok Taong naka-Amerikano at barong Mga anak-pawis na sila’y nagluklok Umasang sila’y aangat at yayabong Mga taong nananatili sa ibaba At ang mga inosenteng nakahandusay Tahimik na pamumuhay at payapa Minimithi nilang kagandahan ng buhay M...